Tama at Mali

Kailan ba nagiging mali ang isang bagay?
Kailan ito nagiging tama?
Kanino ba ito nakasalalay?
Sa mga taong hindi nagkakasala?

At sino sila para sabihing mali?
Kung masaya ka sa pangyayari?
Sino sila para sabihing tama?
Kung hindi ka naman masaya?

Ako nga pala si Joanna.
Isang maliit na kolehiyala.
Hindi naman ako maganda.
Pero may ilalaban ang mukha.

Utak ko ang pinakamagulo.
Paano kasi, may boyfriend ako.
Mahal ko siya, mahal niya ako.
Masaya kaming dalawa sa mundo.

Pero may oras na parang di ko dama?
O siguro dahil busy lang siya?
Ewan ko. ‘Di ko alam talaga.
‘Di kasi kami laging magkasama.

Kaya nama’y tinuon ko ang pansin.
Sa kaklase naming sobrang galing.
Matalino, athletic at habulin.
Kaso may harang sa landas namin.

May girlfriend siya, may boyfriend ako.
Nagmamahalan sila; at kami din ng boyfriend ko.
At ayokong makasakit ng ibang tao.
Lalo na’t mahalaga siya sa aking puso.

Isang araw, nalaman ko na lang.
Iba na pala ang nagmamahalan.
Wala na si Habulin at si Walang-Kapintasan.
Pero si Habulin, may bagong nililigawan.

Wow! Ang bilis, wala pang isang buwan.
Parang sila na kung magturingan.
Pero ewan ko, bakit parang ang sakit?
Anong meron sa’kin? At bakit?

Biglang may bagong darating sa kwento.
Si Joker, sobrang sayang kausap nito!
Mahilig magpatawa at magpasaya ng tao.
Kaya rin siguro mabilis nahulog ang loob ko.

Pero teka lang, kami pa din ng boyfriend ko.
Hindi ko naman siya kinaliwa o niloko.
Walang nangyayaring ganun sa kwento.
Kaya kayo, umayos-ayos kayo.

Anyway, etong si Joker may sinabi.
Parang may gusto yata sa’kin eh.
Ewan ko kung totoo o hindi.
Si Joker siguro’y nanlalandi.

Kaya ayun, ‘di ko na pinansin.
Pero kami ay nag-uusap pa rin.
Minsan, napag-uusapan namin.
Pero, ang usapa’y ‘di na lumalalim.

Kasalanan ba kung ituturing?
Pakisabi nga po sa akin.
Baka kasi ‘di ko napapansin;
May nasasaktan nang damdamin.

Kaya sa dulo’y wala naman talaga.
Sino nagsabing may pangangaliwa?
Kita niyong mahal na mahal ko siya.
Wala akong balak manakit ng kapwa.

Kailan nga ba nagiging tama ang bagay?
Kailan ‘to nagiging mali?
Kanino ba ito nakasalalay?
Sino nga ba ang makapagsasabi?

Advertisements

One thought on “Tama at Mali

  1. Lubha pang pansanaysay ang sensibilidad nito, Red. Kung mas hihigpitan pa ang anyo, tulad ng paggamit ng tugma at sukat, mapatataas ang antas ng kahirapan, at maaaring makasumpong ng partikular na ritmo ng pag-iisip. Sa ngayon, iminumungkahi ko ring sa halip na magtuon sa buong karanasan ay tumutok sa isang detalye o bagay na maaaring maging objective correlative ng nararamdaman o karanasan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s