SILENCIO (retake)

Siguro nagtataka ka sa title ko, ano? Bakit “Silencio” at ano ang ibig sabihin nito? At bakit “retake”? Ano ‘to? Scene sa isang telenovela? Kailangan ulitin? Feeling movie-maker/director eh, bakit ba? =))) Anyway, aking i-eexplain (ano ba Tagalog ng “explain”?) kung bakit yan nga ang napili kong title, bago ko siyempre sisimulan yung mismong pagkkwento about the title. 🙂

Bale, yung “Silencio” kasi, isang spell yan sa Harry Potter. Sa sobrang pagka-Potterhead ko, eh memoryado ko na mga spells and charms sa libro. At mas madami yung nasa libro kesa yung mga pinalabas sa sine. Ang “Silencio” ay isang, obviously, silencing charm. Kaya masasabi mong may kinalaman sa katahimikan ang post na ito.

Ang susunod ko namang ie-explain ay yung “retake”. Anong meron sa retake? Sa totoo lang kasi, kagabi, pagkauwing-pagkauwi ko, eh nagsusulat na ako para dito. Sipag-sipagan lang ang peg. Deh, kasi inspired ako kagabi magsulat. Dahil nga sa katahimikan na ie-expound ko mamaya, sa mga susunod pang talata. Tapos, ayan na, ang dami ko nang nasulat, blah, biglang namali ako ng pindot. Natanggal siya. tas di man lang na-save. Nakakaiyak talaga. Ang layo na ng narating ko kasi eh. 😦 Pero, yun. Yan ang mga dahilan ko kung bakit ganyan ang title ng post na ito.

Silencio.

Na-aamaze (ano ba Tagalog ng amaze?) ako sa katahimikan ng klase pag nagku-quiz. Kakaiba kasi yung katahimikang dala nito. Hindi siya yung katahimikan na yung tipong nakakatakot huminga, kasi baka ikaw lang ang maingay. Hindi rin siya gaya nung katahimikan sa bahay bago ka pagalitan ng todo ng magulang mo. Hindi rin siya yung katahimikang dala pag ikaw naman ang magagalit. Siya yung tipo na, ang sarap mag-isip at mag-munimuni. Yung katahimikan niya kasi, parang yung nakaka-relax. Parang yung kama ko, lalo na sa umaga, ang sarap sa pakiramdam, parang ayaw mo nang iwan. Yan ang pakiramdam ko pag nagku-quiz dahil nga sa katahimikan na dulot nito.

Kanina kasi (or should I say, “kahapon”?) nag-quiz kami sa Filipino, tapos, yung mga kaklase ko, talagang nag-iisip sila, oh? Ang tahimik nila. Ang tahimik namin, pala. Tapos, dahil sa katahimikang yun, parang nakapag-isip pa ako ng mabuti. At isa pa, hindi lang ako natahimik physically, pati yung utak ko, natahimik din. Kasi, para sa’kin ha, yung ingay sa labas, naaapektuhan nito yung ingay o katahimikan sa ulo ko. At hindi ko naman maipapangakong laging tahimik ang ulo ko, dahil mas madalas pang maingay ito. PERO kung maingay na nga sa loob, maingay pa sa labas, ano na lang naintindihan ko, diba? Kaya ako mahilig magsuot ng headphones, kasi pakiramdam ko, nab-block ko yung ingay sa labas kaya nakakapag-focus ako sa sarili kong ingay sa loob ng utak ko. At mas gusto kong mag-ingay sa loob ng utak ko, kasi doon, di ako nahuhusgahan ng tao. Kahit anong isipin ko, walang magde-degrade sa’kin. Walang magsasabi na, “Ay, ano ba yang si Red!”

At dahil na din siguro sa katahimikan kanina (o kahapon) sa room, kahit na tapos na yung quiz, tahimik pa din ang pakiramdam ko. Kung may ganun man. Kaya nung nag-share yung prof namin ng tula na siya na mismo ang gumawa, hindi ko lang siya pinakinggan at inintindi. Talagang na-internalize ko at nadama ko yung mismong tula. Di ko alam kung dahil may pinagdadaanan ako, o dahil sadyang nadadala ako sa paraan ng prof namin sa pagbabasa ng tula. Alam mo yun? Yung akala mo napagdaanan niya yun, pero hindi pala. Pero pakiramdam ko, as in yung sarili kong opinyon, nadama na din ni Sir yun. Hindi man sa paglisan ng isang ina, pero pwedeng pag-alis ng kaibigan, childhood sweetheart, crush nung highschool, pwedeng girlfriend, crush nung college, crush na katrabaho, best friend, mentor, mga ganun. Basta, pakiramdam ko, naiwan na din yun kaya nakasulat siya ng ganun, pero hindi lang magulang yung umalis. Kasi, minsan, ganun ako. Magsusulat ng kwento na kunwari ang sasabihin ko, iniwan ng nanay yung anak pero sa totoong buhay eh iniwan ako ng matalik kong kaibigan sa ere (pero wala pa naman ako nasusulat na ganyan, example lang ba) ANYWAY. Ayun na nga, nadama ko yung tula. At para hindi naman kayo OP sa mga pinagsasabi ko, ig-google ko yung tula. Teka.

Kay Mariang Makiling

Nagpaalam noon ang nanay.
hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
anong pook ang maari niyang puntahan
upang di na magbalik?
anong pook ang maari niya?
nagkampo kami ni tatay sa Makiling.
inalala ang kwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
‘hindi na siya babalik’ sabi ni tatay.
pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo, mas maganda itong tignan
sa malayo: hindi matitinag, buo.

– Edgar Samar

(source: armedlittleboy)

Segue: Grabe, nakakaproud talaga pag nababasa ko yung “Edgar Samar” sa baba, kasi wala lang, prof ko kasi eh. Parang feeling ko, malapit ako sa sikat. At di lang basta sikat, yung sikat dahil sa pagsusulat. Kumbaga, may common ground kami. Hihi.

Sabi nga ng prof namin, minsan, may mga bagay o tao na mas magandang tignan sa malayo. At hindi yung literal (although meron nga mga taong mas gugustuhin kong tignan na lang sa malayo) ang ibig naming sabihin, yung kapag naka-distansya na siya sa’yo, pag malayo na siya sa’yo mas naa-appreciate mo yung ganda niya bilang isang tao, o isang bagay. Minsan kasi, dahil andyan lagi, nababalewala natin, pero pag nawala na siya, at pag hinanap-hanap mo na, dun mo masasabi na, “Ay, iba pala pag wala siya dito.” SEGUE: GANYANG SETUP ANG MADALAS KONG GAMITIN SA MGA KWENTONG SINUSULAT KO KASI GANYAN ANG LAGI KONG NARARAMDAMAN. NA-EXCITE AKO BIGLA PASENSYA!

Hindi lang yung panghihinayang at yung lungkot ang mapapansin mo sa tulang ito. Sa bandang dulo, mapapansin mo din yung “acceptance”. Yung pagtanggap nung tao na nawala na nga yung bagay o taong yun. Yung masasabi mo na lang na, “Okay lang pala siya kahit wala ako.” kasi nga, sa malayo, makikita mo siya na buo. Pero, alam mo ba, yan ang pinakamasakit na pakiramdam. Edi siyempre, bagong-alis lang yung tao, bitter ka pa nun. Sasabihin mo, “Babalik din yun, di niya kaya na wala ako!” o di kaya’y “Mami-miss din ako nun. Iba kaya ang buhay pag wala ako sa tabi niya.” pero ang di mo maamin sa sarili mo, baligtad ang nararamdaman mo. Hindi siya nag mahihirapan sa pag-alis niya, kundi ikaw mismo. Kasi nasanay ka na nandyan lang siya lagi. Tapos, pag tapos ka na maging bitter, andyan na yung pagkasanay mo na wala siya. Yung di ka na malungkot, di ka din masaya na wala siya. Pero, hindi ka na din yung dating “ikaw” kasi nga, wala na siya. Tapos, kahit masakit, masasanay ka na lang na wala ka nang kinukulit, ginugulo, nilalambing, darating ka na sa punto na tanggap mo na talaga. Iba kasi yung nasanay sa natanggap na talaga eh. Kasi minsan, kahit sanay ka na, may parte sa katawan mo na nagsasabi at naniniwalang babalikan ka pa. Kahit na sampung taon na ang nakalipas, babalikan ka pa nun. Pero pag natanggap mo na, alam mong wala nang pag-asang bumalik yun. Yun yung masakit, yung tanggapin na wala na talaga.

So, ayun. Ang drama lang ng pagkakaintindi ko sa tula. Isipin mo, yan yung nararamdaman ko habang binabasa nung prof namin yung tula, oh? Hanggang pag-uwi. Hanggang sa pagtulog.

So, this has been Red. Di matitinag, buo. 🙂

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s