Panitikan…

Nung Monday, nag-FIL03 kami. Eh tapos, ‘yung naging lesson namin, tungkol sa publishing conditions ng mga Pinoy na libro dito sa Pinas mismo. Siyempre, guilty ako dun diba? ‘Di naman kasi ako mahilig sa Tagalog books, primarily because, di ako bihasa sa Tagalog na wika. Sa tinagal-tagal ko dito sa Pinas, nalulunod pa din ako pag may nagtaTagalog. Lalo na pag yung malalalalim. Eh tapos, nagpabasa pa yung prof namin. And just to give you guys a clue kung gaano ako ka-“weak” sa language na’to. So here’s a list of the words I did not understand sa reading assignment namin.

  • talab
  • naikakatha
  • mauusal
  • pinagtagni-tagni
  • sisipatin
  • sasaliw
  • kapanalig
  • lipi
  • inunan
  • kaakuhan
  • yugtong

//I feel stupid

ANYWAY. Nung nabasa ko ‘yung mga salitang yan, agad kong tinanong si Mama.

Ako: Ma, anong ibig sabihin ng “talab”?

Mama: Malay ko sa’yo. Ikaw nag-aaral dyan eh.

At naisip ko, kung ‘di ‘yan masagot ni Mama, di ‘yan lalo masasagot ni Mommy! Hahaha. Kaya, ayun, pumasok ako ng school na clueless sa nabasa ko. Eh ayoko pa naman sa ganun. Yung papasok na walang alam. Gusto ko kasi, handa ako kung sakali.

Buti na lang, alam ng best friend ko ‘yung mga salitang ‘yun. Kung hindi, patay na kami nung isa kong kaibigan na mas malala pa sa’kin pagdating sa Tagalog words. 😦

Tapos, edi ayun na nga, nag-klase na kami. I was particularly excited kasi, interesting yung prof. ‘Yung tipong nagagawa niya akong pakinigin kahit na wala naman talaga akong naiintindihan. D: Kaya, saludo ako sa kanya. Tapos, ayun na nga, inexplain na niya yung sitwasyon ng pagpapublish ng libro dito sa Pinas. It’s so sad na kung sino pa yung kapwa Pinoy, siya pa ‘tong hindi nabibigyan ng break. I mean, I’m sure maganda naman ang laman ng mga libro niya, pero hindi ito napapansin dahil hindi ito ang interes ng tao. Kaya napunta kami sa pinagkaibahan ng POP CULTURE sa PANITIKAN.

Ayon sa notes ko (na nasa bag ko at sobrang tinatamad akong kunin dahil ang sarap ng higa ko sa kama ko BUT I have to kasi nasimulan ko na…) sa pop culture, purong aliw lang at ang iniisip ng tao ay kung paano kikita ng pera samantalang sa panitikan naman, kailangan ng pagkukusa kasi nga hindi ito yung uso at binabasag nito ang normal (na ang tanga ng pagkaka-spell ko ng normal sa notes ko.. “normol”)

Wala akong problema dyan. Naniniwala din naman kasi ako eh. Na-example pa nga ang <sarcastic>pinakamagandang at pinaka may sense na show sa Pinas</sarcastic> ang PBB Teens4. Ako, I personally don’t like it. And quite frankly, inuubos ko ang oras ko sa paggawa ng assignment OR sa panunuod ng Naruto. Kaya hindi talaga ako in the know pagdating dun. Pero may alam din ako sa mga pangyayari, thanks to Mama na balak atang mag-apply na kapalit ni Toni Gonzaga.

Pero segue na yan. Kasi, napupunta na ako sa pagkainis ko dun sa show eh. Ang point lang naman ng prof namin ay, hangga’t kumikita ang PBB, hindi yan matatapos. I mean yung franchise niya. At yun ang pop culture. It doesn’t matter kung may natututunan ka o wala, basta may kinikita, go lang nang go.

Pero ang pinaka-highlight nung gabing yun, para sa’kin ay nung sinabi ni Sir yung mga katagang..

“‘Yung panitikan, parang karelasyon mo ‘yan. Kailangan ng full attention mo.”

– Prof. Edgar Samar

Tama nga naman siya. Kasi, kapag hati ang atensyon mo, let’s say may girlfriend ka sa kanan at may girlfriend ka sa kaliwa, isa sa kanila ang ‘di mo maiintindihan fully. Ganun din sa pagbabasa ng libro. Pag nawala ang atensyon mo, mawawala ka din sa kwento. Pero tingin ko, dapat ay maganda rin yung libro to start with. Kasi kapag maganda ‘yung libro, ‘di ka naman maghahanap ng iba pang pagkakaabalahan ‘di ba? At wala ka nang time para maghanap ng iba dahil engrossed ka sa binabasa mo.

That’s how things work.. I think.

ANYWAY. To end another nonsense post. Here’s a  little informal poem that I thought of while typing this whole thing. :))

Hindi man ako ganun kabihasa
Pilit kong iniintindi yung asignatura
At base sa unang araw namin
Ikatutuwa ko ang mga susunod na meeting

Hindi lang dahil sa challenge para sa’kin
Kundi dahil na rin sa husay ng guro namin
Naipapahayag niya kasi ang dapat
Kaya naiintindihan ko siya nang sapat

Para siyang paborito kong libro
Na aabangan ko bawat eksena nito
Hindi ko man lang magawang bitawan
Excited sa iba nitong nilalaman

Ano kaya ang mangyayari mamaya?
Aabangan ko sa susunod na kabanata
Kaya ihahanda ko na lang ang sarili
Sa isa na namang lesson na kawili-wili

Kaya ma-whoa there ka na muna sa picture ko. =))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

Advertisements

2 thoughts on “Panitikan…

  1. Natutuwa ako sa himig nito, Red, kakabit ang comic delivery ng ibang bahagi. Basahin lang ang ilan kong panuto sa http://nobelangatisan.blogspot.com/2012/06/checklist-bago-ipasa-ang-blog-entry.html at iwasto ang mga bahaging nasa Filipino (lalo na sa baybay)––subalit panatiliin ang mga bahaging nasa Ingles at intensiyunal na pagkakamali dahil malinaw na bahagi ang mga iyon ng punto ng mismong entry. Iwasto lang ang mga pagkakamaling bunga ng kawalang-ingat. Kapag tiyak nang naayos ang entry (huwag nawang mawala ang humor!), ipasang muli sa akin at maaaring makakuha ka ng isang markang pagtaas para roon.

  2. Nanghihinayang ako rito, Red. Kailangan mong balikan at pag-aralan nang mabuti ang ating “Checklist” sa http://nobelangatisan.blogspot.com/2012/06/checklist-bago-ipasa-ang-blog-entry.html lalo pa ang ikatlong tanong bago muling magsulat at magpasa ng entry. Sa unang pangungusap mo pa lang, halimbawa, hindi na nasunod ang unang panuntunan ukol sa paggamit ng dito/rito. Tiyaking maging maingat sa pagsusulat sa susunod upang hindi masayang ang kalidad ng pag-iisip na iniuukol sa isinulat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s