Tama at Mali

Kailan ba nagiging mali ang isang bagay?
Kailan ito nagiging tama?
Kanino ba ito nakasalalay?
Sa mga taong hindi nagkakasala?

At sino sila para sabihing mali?
Kung masaya ka sa pangyayari?
Sino sila para sabihing tama?
Kung hindi ka naman masaya?

Ako nga pala si Joanna.
Isang maliit na kolehiyala.
Hindi naman ako maganda.
Pero may ilalaban ang mukha.

Utak ko ang pinakamagulo.
Paano kasi, may boyfriend ako.
Mahal ko siya, mahal niya ako.
Masaya kaming dalawa sa mundo.

Pero may oras na parang di ko dama?
O siguro dahil busy lang siya?
Ewan ko. ‘Di ko alam talaga.
‘Di kasi kami laging magkasama.

Kaya nama’y tinuon ko ang pansin.
Sa kaklase naming sobrang galing.
Matalino, athletic at habulin.
Kaso may harang sa landas namin.

May girlfriend siya, may boyfriend ako.
Nagmamahalan sila; at kami din ng boyfriend ko.
At ayokong makasakit ng ibang tao.
Lalo na’t mahalaga siya sa aking puso.

Isang araw, nalaman ko na lang.
Iba na pala ang nagmamahalan.
Wala na si Habulin at si Walang-Kapintasan.
Pero si Habulin, may bagong nililigawan.

Wow! Ang bilis, wala pang isang buwan.
Parang sila na kung magturingan.
Pero ewan ko, bakit parang ang sakit?
Anong meron sa’kin? At bakit?

Biglang may bagong darating sa kwento.
Si Joker, sobrang sayang kausap nito!
Mahilig magpatawa at magpasaya ng tao.
Kaya rin siguro mabilis nahulog ang loob ko.

Pero teka lang, kami pa din ng boyfriend ko.
Hindi ko naman siya kinaliwa o niloko.
Walang nangyayaring ganun sa kwento.
Kaya kayo, umayos-ayos kayo.

Anyway, etong si Joker may sinabi.
Parang may gusto yata sa’kin eh.
Ewan ko kung totoo o hindi.
Si Joker siguro’y nanlalandi.

Kaya ayun, ‘di ko na pinansin.
Pero kami ay nag-uusap pa rin.
Minsan, napag-uusapan namin.
Pero, ang usapa’y ‘di na lumalalim.

Kasalanan ba kung ituturing?
Pakisabi nga po sa akin.
Baka kasi ‘di ko napapansin;
May nasasaktan nang damdamin.

Kaya sa dulo’y wala naman talaga.
Sino nagsabing may pangangaliwa?
Kita niyong mahal na mahal ko siya.
Wala akong balak manakit ng kapwa.

Kailan nga ba nagiging tama ang bagay?
Kailan ‘to nagiging mali?
Kanino ba ito nakasalalay?
Sino nga ba ang makapagsasabi?

Mahal kita, pero bahala ka sa buhay mo

Naranasan mo na bang magmahal? ‘Yung magmahal lang. ‘Yung masaya ka na na nagmamahal ka. Ako kasi, oo syempre. Lahat naman yata ng tao, sa isang punto ng buhay nila, eh nagmahal din sila. Oo. Kahit ‘yung mga, “I HATE BOYS” na ‘yan o ‘yung mga, “LAHAT NG BABAE, USER!” na ‘yan, nagmahal ‘yan dati. Kaya nga ganyan sila ngayon eh, kasi nga, nagmahal sila dati.

Isang maulan na gabi nun. Pauwi na galing school, nang magtext ‘yung crush ko. At hindi siya GM. Text talaga dahil naroon ‘yung pangalan ko.

“Jam, nasa’n ka?”

Ako nga pala si Jam. Jamie Marie Dalena. Isang lalakeng nagkatawang babae. ‘Yun na ang pinakamagandang description ko sa sarili ko. Arts student sa isa sa mga pinakamatatandang paaralan sa buong mundo.. o Asya? Basta. May ganun ‘yung kolehiyo namin.

Nagreply ako agad sa kanya. Syempre nagtataka ako, bakit siya nagtext sa’kin, ‘di ba? Di naman siya madalas magtext sa’kin eh.

“Nasa LRT, bakit?”

“Anong station? :)”

“Santolan na.”

“Uy, hintayin mo naman ako, oh? Araneta pa lang ako.”

“Ah, sige. :)”

“YEY! Ingat ka dyan! :)”

Kaya kahit na maghihintay ako, eh nakangiti lang ako. Mukhang tanga sa loob ng tren. Kung hindi pa pumito si manong guard, malamang dun lang ako sa loob, nakaupo. Kinikilig pa kasi ako eh. Bakit kaya nagtanong si Dana?

Naisip kong maghintay sa mismong train dock. Wala lang. Baka mas sweet tignan? Nag-iisip na rin ako ng mga sasabihin sa utak ko. Tipong..

Dana: Yey! Hinintay mo ako!

Ako: Mahal kasi kita kaya hinintay kita!

Dana: Iloveyoutoo Jam!

Ako: Ha?

“Jam! Jam! Okay ka lang?”

“H-ha? May sinasabi ka?”

“Nakatulala ka eh. Nakangiti pa. Buti nakita kita. HAHAHAHA. Anong iniisip mo? Ako, no?”

“Ikaw. Ikaw! Kung ano-ano ‘yang sinasabi mo!”

“Tara na?”

“Bakit ka pala nagpahintay?”

“Wala lang.”

Hindi ko alam kung dapat akong matuwa d’yan sa “wala lang” na ‘yan. Iba iba kasi ang maaaring karugtong nun eh. O minsan, wala na. ‘Yun ‘yung mas mahirap. Pag walang kasunod ‘yung mga salitang “wala lang” kasi, ibig sabihin nun, wala talaga. Kahit pagbali-baligtarin mo ‘yung mundo, eh wala talaga.

Kahit na araw-araw ay sa jeep ako sumasakay, sa araw na ‘yun, sumakay kami sa FX, at nilibre ko pa siya. Hay. Tag-tipid pa naman ako ngayon. May balak kasi akong bilhing sapatos eh. Pero wala na ‘yang kunek sa buong kwento ko. Habang nakasakay sa FX, napag-usapan namin ‘yung mga plates na dapat pa naming ipasa sa prof, na kung may quiz ba, o kung ano pa.

“Ay, may homework pala tayo sa VD (visual design)!”, sabi ni Dana.

“Plate na naman? Iba pa dun sa ginagawa natin kanina?”

“Hindi, tatapusin lang ‘yun.”

“Ah, akala ko bago. Hahahaha! Kaya ‘yan.”

“Oo nga eh. Sige, bababa na din ako eh.”

“Gusto mo, ihatid na kita sa inyo?”

Pero hindi ko talaga alam bakit ko naisipang ihatid siya. Siguro kasi, ayoko pang magkalayo kami? Siguro kasi gusto ko pang makita siya? Ang mata niya, buhok niya, cute niyang ilong, ang ngiti niyang nakakatunaw pag tinitigan mo nang mabuti, yung pagtawa niya na kahit walang nakakatawa, mapapatawa ka na lang din? Siguro kasi gusto ko pang maamoy yung hindi-ko-alam-kung-pabango-niya-pero-ang-bango-talaga? Siguro kasi gusto ko pa siyang makasama at nagbabakasakali akong sa araw na ito, maipagtapat ko na sa kanya na kahit pareho kaming babae, eh mahal ko siya at sana, sana lang talaga, ay may kahit konting nararamdaman siya para sa’kin. Kahit hindi pa mahal. Mapapamahal din siguro siya pagdating ng araw, ‘di ba?

Tumingin lang siya sa’kin. Pumara. Hindi man lang ako sinagot kung pwede ko siya ihatid o hindi. Kaya, nagkusa na ako. Bumaba na ako ng FX at sinundan siya.

“Dana! Dana! Teka!”

“Jam! Bakit ka bumaba? Di ka naman taga-rito, ‘di ba?”

“Malapit naman kami eh. Ikaw lang iniisip ko.”

“Taga-rito ako, kilala ko na ‘tong lugar na ‘to.”

“Ah basta. Ihahatid pa rin kita. Hindi mo naman kailangang sabihin na tayo eh. O kung ano pa. Tropa lang, ganun.”

“Kung kunwari, tayo ba, aaraw-arawin mo ‘to?”

“Kahit hindi naman tayo eh. Gusto ko lang masiguro na okay ka.”

“Totoo?”

“Oo nga. Mahal kasi kita.”

Tumahimik siya bigla. Kahit ako natahimik sa sinabi ko eh. Napatigil kami sa paglalakad at nakatingin lang siya sa ‘kin. ‘Yung nakakabutas na tingin. ‘Yung kung laser lang yung mata niya, sunog na ang isang parte ng katawan ko, kung ano man ‘yung tinitignan niya. Eh kung p’wede ko rin lang tignan ang sarili ko, tinignan ko na rin eh. ANG AWKWARD KAYA NG SINABI KO! Bigla kong hiniling na sana December 21, 2012 na. Sana bumuka ang lupa. Sana gaya nung sa Ice Age 4: Continental Drift na biglang nahati yung lupa sa dalawa at malunod ako sa dagat ng kumukulong lava. Kahit ano na, basta mawala ako sa harapan niya. Nahiya ako bigla. Bakit ko kailangang sabihin ‘yun? Anong meron?

“T-totoo?”

“Oo nga.”

Tumabi kami at umupo sa sidewalk. Medyo madilim at wala masyadong dumadaang sasakyan o trike dun sa parteng inupuan namin. Tahimik pa din siya. Nakatingin lang sa cellphone niya. Ako naman, nakatingin lang sa mga bituin. Ang ganda ng mga bituin. Parang si Dana. Maganda. Kumikinang lang sa malayo. Tapos ngayon, katabi ko na siya. Nasabihan ko na siya ng tunay kong nararamdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ginawa ko o ano. Basta, masaya ako na kasama ko siya. Kahit tahimik lang kami pareho, basta kasama ko siya.

Para di naman sobrang boring, nagsalita din ako. May naisip ako bigla nung naalala ko ang mga bituin.

“Sabi ni Mama, kung nagmamahal ka daw, tumingin ka sa mga bituin. Nabasa raw niya ‘yun sa libro. Di na raw niya alam kung ano. Di na rin daw niya maalala kung bakit ka titingin sa bituin, basta tumingin ka sa bituin. Sabi pa niya, minsan mas magandang nalilimutan mo ang ilang dahilan na binigay na, para may opportunity ka para bigyan ng dahilan ang isang bagay. Hindi na importante kung naisip na ng iba, basta, may maidahilan ka. ‘Yun ‘yung sabi niya. Kaya tingin ko, kaya dapat tumitingin ka sa mga bituin pag nagmamahal ka, kasi maganda silang tignan. Lumiliwanag din, gaya ng araw, pero hindi siya masakit sa mata. Lumiliwanag din gaya ng buwan, pero hindi kasing laki nito. Maliliit na makikinang na diyamante sa langit. Ganda diba? Parang mas naiinlove ka sa mahal mo kahit na wala silang kuneksyon sa mga bituin.” Nginitian ko lang siya, at nagpatuloy sa mahaba kong speech. Ayoko lang ng dead air kaya ko ‘to ginagawa. “Siguro, kaya ko ‘to nasasabi ngayon, kasi nagmamahal ako. Nagmahal at nagmamahal pa rin. At siguro, pagkatapos ng araw na ‘to, magmamahal pa rin ako. Araw-araw akong magmamahal sa isang taong hindi ko alam kung okay lang na minamahal ko, o baka ayaw niya. Kung ayaw man niya, eh wala siyang magagawa. Trip ko ‘to. Basta, mahal ko siya, tapos. Di naman niya kailangang mahalin din ako eh.”

“Ano yun!? One-sided love?”

“Oo. Maganda ‘yun. Para sa ‘kin. Kasi nararamdaman mo ‘yung saya ng pagmamahal at kasama nun, ‘yung sakit ng pagmamahal. Parang buy one, take one.”

“Binibigyan mo lang ng dahilan, eh.”

“Hindi rin. Alam ko namang bibihira ang mga babaeng pumapatol sa kapwa babae. Naiintindihan ko ‘yun. Hindi naman kasi normal. Syempre, paano mo maipagmamalaki sa lahat kung ang “boyfriend” mo ay babae din.”

“Kung ikaw ang “boyfriend” ko, ipagmamalaki kita.”

“Kung ikaw ang “girlfriend” ko, magiging prinsesa ka.”

“Eh kung tanggalin na lang natin ‘yung “kung” at tuluyan na natin, ‘yan?”

“Totoo? Okay lang sa’yo?”

“Oo nga. Sabi mo nga, hindi naman kita kailangang mahalin din eh. Pero matututunan ko ‘yan.”

“Totoo nga?”

“Oo nga!”

‘Yun ‘yung pinakamaganda at pinakamasayang araw sa buong buhay ko. ‘Yung gabing ‘yun. ‘Yun at ang mga sumunod pang araw. Hinihintay ko siya sa Santolan pag umaga at sabay kaming uuwi pag gabi. Sabay kaming kakain ng lunch, kaming dalawa lang. Sabay naming ginagawa ‘yung mga plate namin. Kalat sa loob ng classroom yung pagiging “kami” namin. Paanong hindi, eh naka-in a relationship kami sa facebook. Hindi ko inaasahan yun. Siya kasi nag-invite sa ‘kin eh. Nagulat lang din ako nun. Sino ba ako para tanggihan ‘yun, ‘di ba? ‘Yun ‘yung mga pinakamasasayang araw sa buhay ko. Pagka-uwi, magkatext pa kaming dalawa o magkachat sa facebook o skype. Hindi man siya naglalagay ng “I love you” sa ‘kin, okay lang, masaya na ako sa mga… “Goodnight! Sweetdreams Baby. Thankyou! :*” niya o ‘di kaya ‘yung, “Goodmorning, wake up na. :*” Kasi dun pa lang, ramdam ko na kahit hindi niya pa sigurado na mahal niya ako, eh may concern siya para sa ‘kin. Mga ilang buwan ding ganun lang kami. Sweet kung sweet. Hindi kami kailanman nag-away, pinagbibigyan ko siya sa mga gusto niya. Gusto ko kasi siyang makitang masaya eh. Kapag napag-uusapan namin ‘yung mga ex niya na hindi man lang siya pinahalagahan, hindi ko ginagawang issue ‘yun. Bakit pa kailangang pag-usapan ‘yung ex niya, ganun. Nakikinig lang ako sa kanya. Hindi nga din ako nagbibigay ng reaksyon sa kanya eh. Talagang nakikinig lang ako. Masaya na ako na hindi ko siya sinasaktan o binabalewala.

Masaya kami. Masayang-masaya. Hanggang sa isang araw.. ayan tayo sa “hanggang sa isang araw” eh. Bakit kailangang magkaruon ng mga ganyan ganyan? Hindi ba pwedeng masaya kami, tapos? Kailangan talaga, may hangganan?

“Jam, may kailangan akong sabihin sa ‘yo.”

“Ano ‘yun, B?”

“Naalala mo pa yung irreg nating kaklase sa DWS? (Design Workshop)”

“Sino dun?”

“‘Yung laging naka-hoodie.”

“‘Yung lalake?”

“Oo. ‘Yung lalake.”

“Anong meron sa kanya?”

“Wala lang.”

Ayan tayo sa “wala lang” eh. Alam kong nasabi ko na ‘to, pero kinakatakutan ko talaga ‘yang “wala lang” na ‘yan eh. Hindi ko kasi nga alam kung ano ang susunod. At sa tono nito, mukhang ‘di ko magugustuhan ang susunod. Mukhang tipong tatalon muna ako mula sa building bago ko pakinggan ‘yung susunod dun.

Hindi siya makatingin. Hindi ko alam bakit. O baka alam ko kung bakit, ayoko lang aminin. Ayokong aminin kasi ayokong magkatotoo. Ayokong aminin sa sarili ko kasi baka hindi ‘yun. Baka may iba pa. Baka naman ang sasabihin niya ay, may cancer pala yung lalakeng yun. O kaya naman, best friend ng mommy niya nung high school ‘yung mommy nung lalake. Pwede ring, butas pala ‘yung uniform niya kaya laging naka-hoodie.

Nagsalita ulit siya.

“Ano kasi. Medyo nagkakatext kasi kami. Tapos ano. Sabi niya sa ‘kin, ano daw. Uhh. Paano ko ba sasabihin ‘to? Ano daw kasi…. aaahh…”

“May gusto siya sa ‘yo, tama?”

“Uhh.. parang… uhh… ganun na nga.”

“Gusto mo din siya, tama?”

“Uhh..”

“Don’t explain. Alam ko namang aabot sa ganito. Pero salamat at binigyan mo ako ng pagkakataong pasayahin ka at siyempre, pasayahin ang sarili ko. Dahil masaya ako pag napapasaya kita. Wag ka mag-alala, okay lang talaga Dana.”

“S-sigurado ka?”

Hindi ko siya magawang sagutin. Gago ka ba? Mahal nga kita eh, tapos tinatanong mo kung okay lang sa ‘kin na iwan mo ako para sa lalake? TINGIN MO OKAY LANG ‘YUN? Gaguhan lang? Pero siyempre, di ko sinabi ‘yun. Wala akong nasabi. Wala akong maisip sabihin. Tinignan ko ‘yung mga bituin sa langit nung gabing ‘yun. Ewan ko, pero mukha silang malungkot. Di tulad nung gabing naging kami ni Dana, ang saya saya nila sa taas, nagniningning lang.

“Sabi ni Mama, tumingin ka daw sa mga bituin pag nagmahal ka. Nasabi ko na ‘to, ‘di ba? Pag tumitingin ako sa kanila, pakiramdam ko, nagniningning sila para sa’ting dalawa. Parang ginawa sila ni Lord para maging sweet ang mga gabi nating dalawa. Pero ngayon, parang ang lungkot nilang lahat. O dahil tingin ko, malungkot ang lahat. Pati ‘yung damo dito sa sidewalk, mukhang malungkot. Kahit ‘yung pusa sa kabilang sidewalk, mukhang malungkot. Lahat sila, malungkot kasi malungkot din ako ngayon. Wala na kasi ang dahilan ko para maging masaya eh. Wala na siya sa tabi ko. Pero, pampalubag-loob na lang sana ‘to, sana maging masaya ka sa kanya. Sana pasayahin ka niya. Dahil para sa ‘kin, hindi pwedeng on-off ang isang relasyon. Yung magbe-break tapos, magiging sila ulit. Parang gaguhan lang kasi eh. Kaya sana pasayahin ka niya, dahil kahit na mahal pa rin kita, hindi na kita kayang pasayahin sa mga susunod na araw o buwan o taon. Mahal kita, pero bahala ka na sa buhay mo, Dana. Buhay ko ang buhay ko, buhay mo ang buhay mo. Wala nang pakelamanan. Basta dapat, lagi kang masaya.”

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Sana mag-ingat siya pauwi. Iniwan ko siya eh. Iniwan ko siya dun sa lagi naming tambayan. Lugar kung saan kami nagtago ng mga memorabilia ng pagsasama namin tulad ng resibo sa Jollibee, o sa McDo o sa sinehan o sa kung saan. Pati nga ata resibo ng binili namin sa National Bookstore, meron dun eh. Binaon lang namin sa ilalim ng lupa ng may-ari nung bahay. Ni hindi namin kilala kung sino. Basta lang.

Sinubukan ko mamuhay araw-araw na ganun. Hindi na kasama si Dana. Hindi siya kinakausap. Hindi siya niyayakap-yakap. Ang masaklap pa, makikita ko sila nung irreg naming kaklase sa DWS sa mga pav sa tapat ng Beato, nagyayakapan. Makikita ko sila na may thread of comments sa facebook na wala, nag-aasaran at naglalaitan, parang kami lang dati, pero ang pinagkaiba, may “I love you” ‘yung sa kanila. Partida, wala pang isang linggo ‘yun, ha? Kami naka-dalawa o tatlong buwan na ata, kahit “I”, wala pa.

Pero pinagt’yagaan ko ‘yun. Araw-araw, ganun lang. Binuhos ko sa plates ang oras ko para di ko siya maisip masyado. Kaso, siya naman ang inspirasyon ko sa mga plate ko, kaya wala rin. Pero pinagt’yagaan ko yun. At sa loob ng ilan pang buwan, nakayanan ko naman.

Isang maulan na gabi nun. Pauwi na galing school, nang magtext ‘yung mahal ko. At hindi siya GM. Text talaga dahil andun yung pangalan ko.

“Jam. :(“

Sasagutin ko ba? Kunwari wala na akong load. Sinabi ko naman sa ‘yo eh. Mahal kita, pero bahala ka na sa buhay mo, Dana.

Here comes the sun

Nagpaalam noon ang nanay.
hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
anong pook ang maari niyang puntahan
upang di na magbalik?
anong pook ang maari niya?
nagkampo kami ni tatay sa Makiling.
inalala ang kwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
‘hindi na siya babalik’ sabi ni tatay.
pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo, mas maganda itong tignan
sa malayo: hindi matitinag, buo.

– Edgar Samar

View original post

SILENCIO (retake)

Siguro nagtataka ka sa title ko, ano? Bakit “Silencio” at ano ang ibig sabihin nito? At bakit “retake”? Ano ‘to? Scene sa isang telenovela? Kailangan ulitin? Feeling movie-maker/director eh, bakit ba? =))) Anyway, aking i-eexplain (ano ba Tagalog ng “explain”?) kung bakit yan nga ang napili kong title, bago ko siyempre sisimulan yung mismong pagkkwento about the title.🙂

Bale, yung “Silencio” kasi, isang spell yan sa Harry Potter. Sa sobrang pagka-Potterhead ko, eh memoryado ko na mga spells and charms sa libro. At mas madami yung nasa libro kesa yung mga pinalabas sa sine. Ang “Silencio” ay isang, obviously, silencing charm. Kaya masasabi mong may kinalaman sa katahimikan ang post na ito.

Ang susunod ko namang ie-explain ay yung “retake”. Anong meron sa retake? Sa totoo lang kasi, kagabi, pagkauwing-pagkauwi ko, eh nagsusulat na ako para dito. Sipag-sipagan lang ang peg. Deh, kasi inspired ako kagabi magsulat. Dahil nga sa katahimikan na ie-expound ko mamaya, sa mga susunod pang talata. Tapos, ayan na, ang dami ko nang nasulat, blah, biglang namali ako ng pindot. Natanggal siya. tas di man lang na-save. Nakakaiyak talaga. Ang layo na ng narating ko kasi eh.😦 Pero, yun. Yan ang mga dahilan ko kung bakit ganyan ang title ng post na ito.

Silencio.

Na-aamaze (ano ba Tagalog ng amaze?) ako sa katahimikan ng klase pag nagku-quiz. Kakaiba kasi yung katahimikang dala nito. Hindi siya yung katahimikan na yung tipong nakakatakot huminga, kasi baka ikaw lang ang maingay. Hindi rin siya gaya nung katahimikan sa bahay bago ka pagalitan ng todo ng magulang mo. Hindi rin siya yung katahimikang dala pag ikaw naman ang magagalit. Siya yung tipo na, ang sarap mag-isip at mag-munimuni. Yung katahimikan niya kasi, parang yung nakaka-relax. Parang yung kama ko, lalo na sa umaga, ang sarap sa pakiramdam, parang ayaw mo nang iwan. Yan ang pakiramdam ko pag nagku-quiz dahil nga sa katahimikan na dulot nito.

Kanina kasi (or should I say, “kahapon”?) nag-quiz kami sa Filipino, tapos, yung mga kaklase ko, talagang nag-iisip sila, oh? Ang tahimik nila. Ang tahimik namin, pala. Tapos, dahil sa katahimikang yun, parang nakapag-isip pa ako ng mabuti. At isa pa, hindi lang ako natahimik physically, pati yung utak ko, natahimik din. Kasi, para sa’kin ha, yung ingay sa labas, naaapektuhan nito yung ingay o katahimikan sa ulo ko. At hindi ko naman maipapangakong laging tahimik ang ulo ko, dahil mas madalas pang maingay ito. PERO kung maingay na nga sa loob, maingay pa sa labas, ano na lang naintindihan ko, diba? Kaya ako mahilig magsuot ng headphones, kasi pakiramdam ko, nab-block ko yung ingay sa labas kaya nakakapag-focus ako sa sarili kong ingay sa loob ng utak ko. At mas gusto kong mag-ingay sa loob ng utak ko, kasi doon, di ako nahuhusgahan ng tao. Kahit anong isipin ko, walang magde-degrade sa’kin. Walang magsasabi na, “Ay, ano ba yang si Red!”

At dahil na din siguro sa katahimikan kanina (o kahapon) sa room, kahit na tapos na yung quiz, tahimik pa din ang pakiramdam ko. Kung may ganun man. Kaya nung nag-share yung prof namin ng tula na siya na mismo ang gumawa, hindi ko lang siya pinakinggan at inintindi. Talagang na-internalize ko at nadama ko yung mismong tula. Di ko alam kung dahil may pinagdadaanan ako, o dahil sadyang nadadala ako sa paraan ng prof namin sa pagbabasa ng tula. Alam mo yun? Yung akala mo napagdaanan niya yun, pero hindi pala. Pero pakiramdam ko, as in yung sarili kong opinyon, nadama na din ni Sir yun. Hindi man sa paglisan ng isang ina, pero pwedeng pag-alis ng kaibigan, childhood sweetheart, crush nung highschool, pwedeng girlfriend, crush nung college, crush na katrabaho, best friend, mentor, mga ganun. Basta, pakiramdam ko, naiwan na din yun kaya nakasulat siya ng ganun, pero hindi lang magulang yung umalis. Kasi, minsan, ganun ako. Magsusulat ng kwento na kunwari ang sasabihin ko, iniwan ng nanay yung anak pero sa totoong buhay eh iniwan ako ng matalik kong kaibigan sa ere (pero wala pa naman ako nasusulat na ganyan, example lang ba) ANYWAY. Ayun na nga, nadama ko yung tula. At para hindi naman kayo OP sa mga pinagsasabi ko, ig-google ko yung tula. Teka.

Kay Mariang Makiling

Nagpaalam noon ang nanay.
hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
anong pook ang maari niyang puntahan
upang di na magbalik?
anong pook ang maari niya?
nagkampo kami ni tatay sa Makiling.
inalala ang kwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
‘hindi na siya babalik’ sabi ni tatay.
pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo, mas maganda itong tignan
sa malayo: hindi matitinag, buo.

– Edgar Samar

(source: armedlittleboy)

Segue: Grabe, nakakaproud talaga pag nababasa ko yung “Edgar Samar” sa baba, kasi wala lang, prof ko kasi eh. Parang feeling ko, malapit ako sa sikat. At di lang basta sikat, yung sikat dahil sa pagsusulat. Kumbaga, may common ground kami. Hihi.

Sabi nga ng prof namin, minsan, may mga bagay o tao na mas magandang tignan sa malayo. At hindi yung literal (although meron nga mga taong mas gugustuhin kong tignan na lang sa malayo) ang ibig naming sabihin, yung kapag naka-distansya na siya sa’yo, pag malayo na siya sa’yo mas naa-appreciate mo yung ganda niya bilang isang tao, o isang bagay. Minsan kasi, dahil andyan lagi, nababalewala natin, pero pag nawala na siya, at pag hinanap-hanap mo na, dun mo masasabi na, “Ay, iba pala pag wala siya dito.” SEGUE: GANYANG SETUP ANG MADALAS KONG GAMITIN SA MGA KWENTONG SINUSULAT KO KASI GANYAN ANG LAGI KONG NARARAMDAMAN. NA-EXCITE AKO BIGLA PASENSYA!

Hindi lang yung panghihinayang at yung lungkot ang mapapansin mo sa tulang ito. Sa bandang dulo, mapapansin mo din yung “acceptance”. Yung pagtanggap nung tao na nawala na nga yung bagay o taong yun. Yung masasabi mo na lang na, “Okay lang pala siya kahit wala ako.” kasi nga, sa malayo, makikita mo siya na buo. Pero, alam mo ba, yan ang pinakamasakit na pakiramdam. Edi siyempre, bagong-alis lang yung tao, bitter ka pa nun. Sasabihin mo, “Babalik din yun, di niya kaya na wala ako!” o di kaya’y “Mami-miss din ako nun. Iba kaya ang buhay pag wala ako sa tabi niya.” pero ang di mo maamin sa sarili mo, baligtad ang nararamdaman mo. Hindi siya nag mahihirapan sa pag-alis niya, kundi ikaw mismo. Kasi nasanay ka na nandyan lang siya lagi. Tapos, pag tapos ka na maging bitter, andyan na yung pagkasanay mo na wala siya. Yung di ka na malungkot, di ka din masaya na wala siya. Pero, hindi ka na din yung dating “ikaw” kasi nga, wala na siya. Tapos, kahit masakit, masasanay ka na lang na wala ka nang kinukulit, ginugulo, nilalambing, darating ka na sa punto na tanggap mo na talaga. Iba kasi yung nasanay sa natanggap na talaga eh. Kasi minsan, kahit sanay ka na, may parte sa katawan mo na nagsasabi at naniniwalang babalikan ka pa. Kahit na sampung taon na ang nakalipas, babalikan ka pa nun. Pero pag natanggap mo na, alam mong wala nang pag-asang bumalik yun. Yun yung masakit, yung tanggapin na wala na talaga.

So, ayun. Ang drama lang ng pagkakaintindi ko sa tula. Isipin mo, yan yung nararamdaman ko habang binabasa nung prof namin yung tula, oh? Hanggang pag-uwi. Hanggang sa pagtulog.

So, this has been Red. Di matitinag, buo.🙂

Panitikan…

Nung Monday, nag-FIL03 kami. Eh tapos, ‘yung naging lesson namin, tungkol sa publishing conditions ng mga Pinoy na libro dito sa Pinas mismo. Siyempre, guilty ako dun diba? ‘Di naman kasi ako mahilig sa Tagalog books, primarily because, di ako bihasa sa Tagalog na wika. Sa tinagal-tagal ko dito sa Pinas, nalulunod pa din ako pag may nagtaTagalog. Lalo na pag yung malalalalim. Eh tapos, nagpabasa pa yung prof namin. And just to give you guys a clue kung gaano ako ka-“weak” sa language na’to. So here’s a list of the words I did not understand sa reading assignment namin.

  • talab
  • naikakatha
  • mauusal
  • pinagtagni-tagni
  • sisipatin
  • sasaliw
  • kapanalig
  • lipi
  • inunan
  • kaakuhan
  • yugtong

//I feel stupid

ANYWAY. Nung nabasa ko ‘yung mga salitang yan, agad kong tinanong si Mama.

Ako: Ma, anong ibig sabihin ng “talab”?

Mama: Malay ko sa’yo. Ikaw nag-aaral dyan eh.

At naisip ko, kung ‘di ‘yan masagot ni Mama, di ‘yan lalo masasagot ni Mommy! Hahaha. Kaya, ayun, pumasok ako ng school na clueless sa nabasa ko. Eh ayoko pa naman sa ganun. Yung papasok na walang alam. Gusto ko kasi, handa ako kung sakali.

Buti na lang, alam ng best friend ko ‘yung mga salitang ‘yun. Kung hindi, patay na kami nung isa kong kaibigan na mas malala pa sa’kin pagdating sa Tagalog words.😦

Tapos, edi ayun na nga, nag-klase na kami. I was particularly excited kasi, interesting yung prof. ‘Yung tipong nagagawa niya akong pakinigin kahit na wala naman talaga akong naiintindihan. D: Kaya, saludo ako sa kanya. Tapos, ayun na nga, inexplain na niya yung sitwasyon ng pagpapublish ng libro dito sa Pinas. It’s so sad na kung sino pa yung kapwa Pinoy, siya pa ‘tong hindi nabibigyan ng break. I mean, I’m sure maganda naman ang laman ng mga libro niya, pero hindi ito napapansin dahil hindi ito ang interes ng tao. Kaya napunta kami sa pinagkaibahan ng POP CULTURE sa PANITIKAN.

Ayon sa notes ko (na nasa bag ko at sobrang tinatamad akong kunin dahil ang sarap ng higa ko sa kama ko BUT I have to kasi nasimulan ko na…) sa pop culture, purong aliw lang at ang iniisip ng tao ay kung paano kikita ng pera samantalang sa panitikan naman, kailangan ng pagkukusa kasi nga hindi ito yung uso at binabasag nito ang normal (na ang tanga ng pagkaka-spell ko ng normal sa notes ko.. “normol”)

Wala akong problema dyan. Naniniwala din naman kasi ako eh. Na-example pa nga ang <sarcastic>pinakamagandang at pinaka may sense na show sa Pinas</sarcastic> ang PBB Teens4. Ako, I personally don’t like it. And quite frankly, inuubos ko ang oras ko sa paggawa ng assignment OR sa panunuod ng Naruto. Kaya hindi talaga ako in the know pagdating dun. Pero may alam din ako sa mga pangyayari, thanks to Mama na balak atang mag-apply na kapalit ni Toni Gonzaga.

Pero segue na yan. Kasi, napupunta na ako sa pagkainis ko dun sa show eh. Ang point lang naman ng prof namin ay, hangga’t kumikita ang PBB, hindi yan matatapos. I mean yung franchise niya. At yun ang pop culture. It doesn’t matter kung may natututunan ka o wala, basta may kinikita, go lang nang go.

Pero ang pinaka-highlight nung gabing yun, para sa’kin ay nung sinabi ni Sir yung mga katagang..

“‘Yung panitikan, parang karelasyon mo ‘yan. Kailangan ng full attention mo.”

– Prof. Edgar Samar

Tama nga naman siya. Kasi, kapag hati ang atensyon mo, let’s say may girlfriend ka sa kanan at may girlfriend ka sa kaliwa, isa sa kanila ang ‘di mo maiintindihan fully. Ganun din sa pagbabasa ng libro. Pag nawala ang atensyon mo, mawawala ka din sa kwento. Pero tingin ko, dapat ay maganda rin yung libro to start with. Kasi kapag maganda ‘yung libro, ‘di ka naman maghahanap ng iba pang pagkakaabalahan ‘di ba? At wala ka nang time para maghanap ng iba dahil engrossed ka sa binabasa mo.

That’s how things work.. I think.

ANYWAY. To end another nonsense post. Here’s a  little informal poem that I thought of while typing this whole thing. :))

Hindi man ako ganun kabihasa
Pilit kong iniintindi yung asignatura
At base sa unang araw namin
Ikatutuwa ko ang mga susunod na meeting

Hindi lang dahil sa challenge para sa’kin
Kundi dahil na rin sa husay ng guro namin
Naipapahayag niya kasi ang dapat
Kaya naiintindihan ko siya nang sapat

Para siyang paborito kong libro
Na aabangan ko bawat eksena nito
Hindi ko man lang magawang bitawan
Excited sa iba nitong nilalaman

Ano kaya ang mangyayari mamaya?
Aabangan ko sa susunod na kabanata
Kaya ihahanda ko na lang ang sarili
Sa isa na namang lesson na kawili-wili

Kaya ma-whoa there ka na muna sa picture ko. =))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

me (2)

me (2)

me (2)

Hi hello. This will be my very first post. :)) I’m still thinking what to do with this site. I don’t want it to be purely for my Filipino 2. I wanna make something out of this.
Anyway, this will be like a more professional than a personal blog.😀
And so I linked my personal one. :))

Continue reading